non compos mentis enlarge text size reduce text size
text resize 

(NOT OF SOUND MIND)
Compiled by kloobers


 PUBLIC UTILITY JEEP. Interior/Day.

(Ilang araw bago pa bumyahe ng Babuyan ang Klub Natur)

BING: Ang mura naman ng life jacket natin?

ALLEN: Oo. Pero ang di ko lang alam ay kung magtatagal.

BING: Okay na rin basta ba lumutang tayo at mapakinabangan sa Babuyan trip.

ALLEN: Syempre naman.


 APARRI PORT. Exterior/Day.

(Ilang oras bago ang paglayag ng lampitaw sa karagatan, busy ang mga kloobers sa paglalagay ng kanikanilang bagahe sa loob ng plastic bags.)

BING: Ang ganda ng life jacket ni Arnold!

ALLEN: Mahal yun. Libo!

BING: Ang mahalaga meron tayo para lumutang just in case.

ALLEN: Alam mo ba ang difference ng kay Arnold at sa atin?

BING: Ano?

ALLEN: Yung sinulid na ginamit.

BING: Bakit naman?

ALLEN: Yung kay Arnold, magtatagal sa tubig. Yung sa atin, malulusaw sa tubig.

(Hahagalpak ng tawa si Bing)

ALLEN: Ang masama nyan, baka hindi na tyo abutan pa ng rescue dahil unti-unti nang nalulusaw ang sinulid ng life vest natin tapos unti-unti na ding kumakalas ang foam sa katawan natin.

(Muling hahagalpak ng tawa si Bing)

ALLEN: Imaginin mo Bing. Nasa laot tayo tapos isa-isang lumulubong ang kloobers dahil nagkakalasan na ang mga vest sa kanilang katawan. Tapos si Arnold nalang ang naiwang nakalutang?

(Patuloy ng tatawa si Bing)

ALLEN: Sa laki ba naman ni Arnold, tiyak na lulutang pa rin siya kahit walang life vest!

(Magpapatuloy sa kakatawa ang dalawa)


 KABUGSAKAN FALLS. Exterior/Day.

(Kasalukuyang kumakain ng buko ang mga kloobers.)

ALLEN: (kay Manong) Manong pakibiyak naman itong buko.

(Matapos biyakin ang buko, si Madam Choco naman ang nagrequest kay Manong)

MADAM CHOCO: Manong ako din, pabiyak!

(Loud guffaws)


 KAMPGROUND. BEDROOM. Interior/Night.

(Kakatapos lang magpamasahe ni Jimmy kay Gaylene nang biglang pumasok si Lowil)

LOWIL: (kay Jimmy) Nagpamasahe ka?

JIMMY: Oo, hard nga e!

LOWIL: Ano ang hard?


 CAVE. Interior/Morning.

(Patuloy ang shooting nina Lowil at Joseph habang nagpapahinga sina Gay, Rona at Allen. Tipong nababato na ang kanilang guide na si Gerry kaya naman naisipang kausapin ni Gay.)

GAY: (sa guide) Ano nga pala pangalan mo?

GUIDE GERRY: Jire.

GAY: Ah, Jirey.

ALLEN: Hindi, Gerry yon!

(Magtatawanan)

GAY: Pa’no, hind ko naman naintindihan no!


 DRUGSTORE. Exterior/Morning.

Kakatapos lang uminom ng RED BULL nina Joseph, Lowil at Allen)

ALLEN: (pertaining to Jimmy) Alam ko kung bakit hindi magri-red bull si Jimmy!

ALL: Bakit?

ALLEN: Kasi baka mantoro siya!


 KAMPGROUND. BEDROOM. Interior/Sundown.

(May ilang oras na rin nakarating ang unang batch mula sa limang oras na biyahe. Kasalukuyang nakahilata at nagpapahinga ang iba samantalang naglilinis ang ilan ng kanya-kanyang kamera.)

ALLEN: Naku, sino kaya ang malakas humilik mamayang gabi?

LOWIL: Alam nyo ba na “snoring causes omnipotence?

(Matitigilan ang lahat)

ALLEN: Ano? Baka impotence!


 KAMPGROUND. BEDROOM. Interior/Sundown.

(Nakahalata si Allen sa katahimikang namamagitan kina Jimmy at Rona)

ALLEN: Tahimik yata sina Rona at Jimmy! Bakit kaya?

LOWIL: Nagti-telekinesis.

ALLEN: Teka, baka nagti-telepathy?

LOWIL: Ay!

(Magtatawanan)

ALLEN: Kung sabagay, pwede na rin! Ano kaya ang pinagagalaw nila sa isa’t isa?


 JEEPNEY. Interior/Daytime.

(Papaalis na sana ang jeep nang biglang makaalala si Jeco na may kulang pa pala sa kanyang pinamili)

GAY: (Bababa ng jeep) Ano pa ang kulang? Juice?

JECO: Oo, kumuha ka ng powder.

GAY: Ilan?

ALLEN: Dalawang Sony orange nalang!

(Pandidilatan ni Jeco ng mata si Allen)

JECO: Sunny!


 KAMPGROUND. DINING AREA. Interior/Night.

(Patapos nang kumain ng dinner ang mga kloobers nang magtanong si Jeco sa lahat.)

JECO: Papaano magbalat ng saging ang bading?

ALL: Papaano?

JECO: Ganito! (Itatapat ang bahagyang natalupang saging sa bibig saka --) Pipindutin lang. Tsug!


 KAMPGROUND. BEDROOM. Interior/Night.

(Nasa kanya-kanya nang puwesto para matulog ang mga kloobers. Mapapansin ni Joseph ang patagilid na pagkakahiga ni Allen sa kama)

JOSEPH: Tingnan nyo matulog si Allen, parang petus.

(hahagalpak sa tawanan ang lahat sa maling bigkas ng fetus)


 KAMPGROUND. BEDROOM. Interior/Night.

(Pinapanuod nina Rona, Jeco at Allen si Aloy habang minamasahe siya ni Gaylene. Sagli’t pa’y matatapos na ang serbisyo)

ALLEN: (kay Aloy) Ano ang feeling?

ALOY: Orgasmic!


 KAMPGROUND. BEDROOM. Interior/Night

GAYLENE: O, wala naman siguro magpapamasahe sa inyo ngayon dahil wala namang napagod?

ALOY: (tututol) Ay!

GAYLENE: (pertaining to men) Kailangan meron muna kayo gawin sa amin.

ALOY: (quizzical) Ano naman?

GAYLENE: Mag-igib ng tubig para sa amin!

ALOY: Gusto mo, ako ang magbobomba sa inyo?


 Jeco’s advise to choosing a partner (the Klub Natur way):

COLLECT, SELECT, REJECT, and RECYCLE.


 Jeco’s advise to people allergic to odor:

BRING YOUR OWN CUBICLE!


 One letter is addressed to Klub Natur like this:

To Genesis Photographic Club

(Genesis is the title of the Klub Exhibit)


 (Quinquin is complaining about the mode of transportation going to Laguna)

QUIN: Ayoko na! Gusto ko ng aircon!

GAY: Ba’t ba ang reklamo mo? Maski anong miron, sakay na!


 KAMPGROUND. BATAD INN. Exterior/Day.

JECO: (Pertaining to “aerophobic” Apple) Sa lahat ng Apple, ikaw lang ang tumutubo sa ugat.

APPLE: Bakit naman?

JECO: Kasi takot ka sa heights!


 ST. JOSEPH RESTAURANT. SAGADA. Interior/Morning.

(Kasalukuyang nagbibreakfast ang mga kloobers. Darating ang isang lady helper at isi-serve ang tea)

IGIE: Tikman mo Jeco ang tea, lasang oregano.

JECO: (titikim) Oo nga, may oregano!

(Biglang sasabat si Apple)

APPLE: Ano, origami? Alam ko tinutupi yon. Ba’t iniinom nyo?

(Mapapatingin ang lahat kay Apple)

JECO: Ha? Wala ka yata sa sarili?


 KAMPGROUND. ST. JOSEPH. BEDROOM. Interior/Morning.

APPLE: Ang lambot ng aloe vera sa buhok, no?

CATHY: Oo nga e.

QUIN: Sa amin merong sabadilla.

JECO: (wide-eyed) Sabilla yon, e!


 On their way to Sagada, kloobers spot this sign along the road:

CAUTION: CHICKENS PLAYING AHEAD!




[ flit back ]


print this page    send your feedback